Mahigit 200 Residente, nabigyan ng serbisyo sa matagumpay na RCSP Serbisyo Caravan sa Maria Aurora
- Details
- Written by LGOO V Clarissa G. Hess

Matagumpay na isinagawa ang 2024 Retooled Community Support Program (RCSP) Serbisyo Caravan sa Barangay San Juan, Maria Aurora, Aurora noong Agosto 27, 2024, kung saan mahigit 200 katao mula sa mga Barangay ng San Juan, Decoliat, at Galintuja ang nakatanggap ng iba't ibang serbisyo mula sa mga lokal at pambansang ahensya ng pamahalaan.