Ang DILG Pampanga, sa pangunguna ni PD Myrvi Fabia, ay nagsagawa ng Tree Planting Activity sa Barangay Potrero, Bacolor, Pampanga noong ika-29 ng Setyembre 2021.
Naglunsad ng oryentasyon ang Panlalawigang Tanggapan ng DILG Nueva Ecija sa pitong raan at pitumpu't limang (775) barangay na kabilang sa Manila Bay Area noong ika-27 ng Setyembre 2021 patungkol sa isasagawang 2021 Barangay Environmental Compliance Audit (BECA).
Nagsagawa ng oryentasyon sa paghahanda ng barangay devolution transition plan ang DILG Olongapo at City Devolution Transition Committee sa FMA Hall, Olongapo City Hall noong Setyembre 21 – 24, 2021, upang matulungan ang mga barangay ng Olongapo sa kanilang pagpaplano para sa full devolution.
Kaisa sa pagbibigay oportunidad sa ating mga kawani na mapangalagaan ang kanilang kalusugan at kapakanan, ang DILG Bataan ay magsasagawa ng mga aktibidad patungkol dito, kasama na rin ang pagbibigay ng munting tulong sa ating ilang mga kababayan. Kabuhayan ang isa sa pangunahing naapektuhan ng pandemya magmula pa noong nakaraang taon. Dahil dito, ninais ng aming tanggapan na magsagawa ng outreach program sa Brgy. Sibacan sa Lungsod ng Balanga, noong Setyembre 24, 2021.
Alinsunod sa mandato ng Supreme Court na maibalik sa dating kaayusan at kalinisan ang Manila Bay, ang DILG Bataan ay nagsagawa ng "Provincial Orientation on the Implementation of the Barangay Environmental Compliance Audit (BECA)" noong Setyembre 23, 2021.