Pagsusuri at Kalibrasyon ng ng mga Locally Funded Projects sa Zambales: Hakbang tungo sa Makabuluhang Pag-unlad ng Komunidad
- Details
- Written by Engr. III Jelly Mae T. Ebalobo

Isinagawa ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) Zambales ang Pagsusuri at Kalibrasyon ng estado ng mga Proyekto at kaukulang ulat sa ilalim ng programang Local Government Support Fund (LGSF) at Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) ngayong ika-3 ng Mayo, 2024 sa pamamagitan ng Zoom Video Conference. Ang online na aktibidad na dinaluhan ng mga lokal na opisyal mula sa 230 barangays, 13 munisipalidad, at pamahalaang panlalawigan ng Zambales ay may layunin na talakayin at suriin ang kabuuang implementasyon ng mga proyekto at pag-usapan ang mga bagong alituntunin kaugnay sa mga proyekto ng programang LGSF.