Sa pangunguna ng Panlalawigang Patnugot, Atty. Ofelio A. Tactac, Jr., CESO V, malugod na tinanggap ng mga kawani ng DILG Nueva Ecija ang bagong talagang Panrehiyong Patnugot, Dir. Araceli A. San Jose, CESO III, katuwang ang Pangalawang Panrehiyong Patnugot Jay E. Timbreza, ang Hepe ng Dibisyon ng Pinansyal at Administrasyon, Bb. Maria Resa B. Pangilinan, at Panrehiyong Opisyal ng Batas (Legal Officer), Atty. Charmaine Jacqueline I. Paulino-Evangelista, sa kanilang ginawang courtesy visit sa DILG Provincial Office.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Direktor San Jose ang kanyang taos-pusong pasasalamat at pagkilala sa mga kawani ng DILG Nueva Ecija sa kanilang walang patid na suporta, kasipagan at katapatan na kumakatawan sa tatak ng Departamento bilang Matino, Mahusay, at Maaasahan.

Dagdag pa ni Direktor San Jose, isang karangalan para sa kanya ang muling maging bahagi ng DILG Gitnang Luzon. Gayon din, hinikayat niya ang bawat isa na maglingkod ng may pagkaka-isa bilang isang pamilya tungo sa isang maayos na paglilingkod bilang mga kawani ng gobyerno.

Ang naturang courtesy visit ay dinaluhan ng mga Opisyal sa Operasyon ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod/Bayan at mga kawani ng DILG Provincial Office.