Transparency_Seal.jpg

PAG-ASA Weather Update

 <DOST_PAGASA_WEATHER.png

 

Upang matulungan ang mga LGUs ng Pampanga na masimulan ang ang pagbalangkas ng kani-kanilang Devolution Transition Plans (DTPs), nagsagawa noong Agosto 27, 2021 ang DILG Pampanga ng isang malakihang oryentasyon na nilahukan ng higit dalawang daang miyembro ng LGU Devolution Transition Committee (DTC) at Technical Working Group (TWG) ng probinsya.

Alinsunod sa resolusyong inilabas ng Council of Good Local Governance, ang pagpapatupad ng 2021 Seal of Good Local Governance: Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Lokal ay tuluyan nang sinuspinde bunsod pa rin ng pandemyang kinakaharap ng bansa.

Alinsunod sa isinagawang Pangrehiyong Oryentasyon sa Paggawa ng LGU Devolution Transition Plans noong ika-11 hanggang ika-13 ng Agosto 2021, nagsagawa ang tanggapan ng DILG Nueva Ecija ng Panlalawigang Oryentasyon sa Paggawa ng LGU Devolution Transition Plans noong ika-18 hanggang ika-20 ng Agosto 2021 sa pamamagitan ng Zoom video teleconferencing application. Ang oryentasyon para sa pamahalaang panlalawigan ay isinagawa noong ika-18 ng Agosto. Ang oryentasyon naman para sa Cluster I o sa mga pamahalaang panlungsod/pambayan ng una at ikaapat na distrito ng lalawigan ay isinagawa noong ika-19 ng Agosto. Nagtapos ang oryentasyon sa Cluster II o sa mga pamahalaang panlungsod/pambayan ng ikalawa at ikatlong distrito noong ika-20 ng Agosto.

Nailuklok bilang kinatawan ng Presidents of League of Municipalities ng Gitnang Luzon si Igg. Estelita M. Aquino, Alkalde ng Moncada, Tarlac, at Presidents of City Mayors ng Gitnang Luzon si Igg. Nestor L. Alvarez, Alkalde ng Science

Upang mas lalong mapabuti ang impementasyon ng Ease of Doing Business (EODB) sa bansa, ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Rehiyon 3 , sa pakikipagtulungan ng Bureau of Local Government Finance Rehiyon 3, ay nagsagawa ng Online Training for LGUs on Rationalization of Fees and Charge, and Updating of the Local Revenue mula Agosto 24-25, 2021.

Subcategories

RDs message

President.pngSecreteary.pngCitizen-Charter.pngCitizen-Charter.pngtransparency-seal.pngFOI LogoFOI Logo


ARTA OP LABEL


GAD Logo


Full Devolution


Full Devolution