HUSAY NG MGA ANTI-DRUG ABUSE COUNCIL NG SIYAM(9) NA PAMAHALAANG LOKAL SA LALAWIGAN, KINILALA
- Details
- Written by DILG Region 3
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 1362

Pinangunahan ng Pang-rehiyong Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Gitnang Luzon, ang isang seremonyas upang gawaran ng pagkilala ang mga Local Anti-Drug Abuse Councils (ADACs) sa rehiyon na nagpamalas ng husay at galing sa pagpapatupad ng mga programang may kinalaman sa pagsugpo sa ilegal na droga. Ito ay ginanap ngayong araw, ika-16 ng Enero, 2023 sa Kingsborough International Convention Center, Lungsod ng San Fernando, Lalawigan ng Pampanga. Ito rin ay dinaluhan ni Abgdo. Margarita Gutierrez, Undersecretary ng Kagawaran, na siyang nanguna sa paggagawad ng mga parangal.