TSLogo

 

 

facebook page

 

TINGNAN | Sinimulan ngayong ika-13 ng Hunyo, 2023 ng Panlalawigan Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Bulacan ang pagsasagawa ng Seal of Good Local Governance (SGLG) On-Site Assessment sa mga kinabibilangang Bayan at Siyudad ng Lalawigan. Ang SGLG ay ang pinakamataas na pagkilala na iginagawad ng DILG sa mga lokal na pamahalaan, at ito ay may tinatayang sampung (10) outcome areas kabilang ang;

LUNGSOD NG MALOLOS - Noong ika-8 ng Hunyo, 2023, isinagawa ang ikalawang sangkapat na pinag-isang pagpupulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), at Provincial Task Force-Ending Local Communist sa lalawigan ng Bulacan. Dito nagkaroon ng talakayan ukol sa mga programa, proyekto at gawain ng bawat ahensya at sangay ng Pamahalaan na kabilang sa nasabing konseho.

LUNGSOD NG MALOLOS - Noong ika-7 ng Mayo, 2023 nagsagawa ang Provincial Audit Team, sa pangunguna ng DILG Bulacan kasama ang PNP, BJMP, AFP, PDEA, piling Civil Society Organization at Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng isang pagtatasa ukol sa antas ng pagganap ng mga Peace and Order Council ng mga Bayan at Lungsod sa Lalawigan.

CITY OF MALOLOS – Today, June 6, 2023, DILG Bulacan conducted an activity entitled Technical and Administrative Knowledge Enhancement and Sharing (TAKES). The said activity that was attended by DILG Bulacan Provincial Office Personnel was aimed to enhance the Office’s operational capacity by improving the performance of its personnel and to enable them to effectively and efficiently deliver basic services. Among the topics discussed were the following: Basic Photography, Technical Writing, Communication Management, and Basic Protocols and Ethics.

Sa patuloy na pakikibahagi ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Bulacan sa pangangalaga ng ating kalikasan, ngayong ika-31 ng Mayo ay matagumpay na naisagawa ang Clean-Up Drive sa Brgy. Sto Niño, Paombong, bilang tugon sa Manila Bay Clean-Up Rehabilitation and Preservation Project (MBCRPP) ng pamahalaan. Layunin ng gawain na ito na isakatuparan ang mandato ng Kagawaran sa pagpreserba at pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran para sa kaunlaran at kalusugan ng mga mamamayan.

Noong ika-29 hanggang 31 ng Mayo, 2023 ay nagbigay ng teknikal na gabay ang Punong Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan sa bayan ng Angat para sa wastong pagbalangkas ng kanilang Municipal Water Supply and Sanitation Master Plan (MWSSMP).

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video