TSLogo

 

 

facebook page

 

Sa isang makulay at makasaysayang tagpo, pormal na binuksan ngayong ika-8 ng Setyembre, 2023, ang pagdiriwang ng Singkaban Festival na may temang "Likas na Yaman, Kasaysayan at Kultura, Pangalagaan ating Pamana”. Ang pagdiriwang na ito ay pinangunahan nila Panauhing Pandangal Sen. Imee R. Marcos na kinatawan ni Bb. Eliza Romualdez-Valtos, kasama sina Punong Lalawigan Daniel R. Fernando, Ikalawang Punong Lalawigan Alexis C. Castro, at iba pang mga opisyal ng lalawigan.

TINGNAN | Pagsasagawa ng paunang balidasyon para sa Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) 2023 ng mga barangay. Ang aktibidad ay pinangunahan ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, kabilang ang Panlalawigang Tanggapan ng Kapaligiran at Kalikasan (BENRO), Kagawaran ng Kapaligiran at mga Likas na Kayamanan (DENR), Philippine Information Agency, at Auxiliary Cadence Church Chaplaincy Philippines Inc.

SETYEMBRE 07, 2023 | Alinsunod sa Memorandum Blg. 006, S. of 2023 ng Pambansang Tanggapan para sa Pagtugon ng Sakuna o National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakilahok ngayong araw ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal para sa ikatlong kwarter ng National Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Agosto 30, 2023 - Pinangunahan ng Kalihim ng Kagawaran ng interyor at Pamahalaang Lokal Abgdo. Benjamin Abalos ang pagdiriwang ika-173 guning taon ng kapanganakan ni Gat. Marcelo H. Del Pilar na may temang: "Marcelo, Liwanag ng Nakaraan, Tanglaw sa Kasalukuyan".

TINGNAN | Bumisita ang mga kawani ng Panrehiyong Tanggapan sa DILG Bulacan ngayong ika-22 ng Agosto, 2023, upang magbigay ng gabay at kaalaman patungkol sa mga transaksyon at iba’t-ibang aspekto ng mga pinansyal at administratibong gawain. Kabilang rin sa mga natalakay sa aktibidad na ito ay ang mga pagbabago sa ibang alituntunin at polisiya ng Kagawaran para sa mas epektibo at mabilis na pagtugon sa mga pangagailangan ng mga pamahalaang lokal. Kabilang sa mga kawani na nagbahagi ng administratibong paggabay ay sina Acct. III Jean Hazel B. Mercado, HRMO III Crystal Joy C. Pineda, HRMO II Mary Lady Queen T. Tayag, at ADAS III Rosalie M. Dumana.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video