RESULTA NG MGA ISINAGAWANG PAGTATASA NG KAGAWARAN, IBINIDA SA IKALAWANG SANGKAPAT NA PINAG-ISANG PAGPUPULONG NG PPOC-PADAC-PTF-ELCAC
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 7322

LUNGSOD NG MALOLOS - Noong ika-8 ng Hunyo, 2023, isinagawa ang ikalawang sangkapat na pinag-isang pagpupulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), at Provincial Task Force-Ending Local Communist sa lalawigan ng Bulacan. Dito nagkaroon ng talakayan ukol sa mga programa, proyekto at gawain ng bawat ahensya at sangay ng Pamahalaan na kabilang sa nasabing konseho.