Opisyal na Pagtatapos ng Panlalawigang Pagtatasa ukol sa 2024 Barangay Environmental Compliance Audit
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 5108

Matagumpay na isinagawa ang Pangwakas na Balidasyon ng Provincial Assessment Committee (PAC) kaugnay ng pagtatasa para sa Barangay Environmental Compliance (BECA) ngayong taon. Sa nasabing aktibidad ay nagkaroon ng mabusising pagsusuri at deliberasyon ang komite mula sa anim (6) na barangay na nagkamit ng mataas na marka sa isinagawang paunang balidasyon na nagpamalas ng husay at galing sa pag implementa ng mga programa alinsunod sa Republic Act No. 9003 o kilala bilang “Ecological Solid Waste Management Act of 2000”.