TSLogo

 

 

facebook page

 

 

Ngayong araw, ika-27 ng Hulyo, 2024, ay pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Situational Briefing kaugnay sa pinsalang dulot ng Bagyong Carina at Hanging Habagat sa mga lalawigan ng Bulacan, Bataan at Pampanga na ginanap sa Bulwagan ng Sangguniang Panlalawigan, Lungsod ng Malolos, Bulacan.


Sentro ng talakayan ang mga hakbangin ng pamahalaan upang matugunan ang kagyat na pangangailangan ng mga naapektuhan sa Gitnang Luzon. Ilan sa mga ito ay ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa larangan ng agrikultura at sa ating mga kababayang labis na naapektuhan ng pagbaha. Direktiba rin ng pangulo ang agarang aksyon upang mabawasan ang epekto ng oil spill sa Bataan sa katubigan ng Bulacan at Pampanga.


Buong pwersa ang mga lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Bulacan, sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando, Gob. Dennis Pineda ng Pampanga, at Gob. Joet Garcia ng Bataan, at mga pinuno ng tanggapan ng Pamahalaang Nasyunal para sa mabilis na pagbangon ng mga mamamayang naapektuhan ng bagyo.

Ang mga larawan na ito ay patunay na ang pagkakaisa ng ating mga lokal na opisyal at mga mamamayan ay patuloy na namamayani sa puso ng bawat Bulakenyo.

Pinangunahan ni Gob. Daniel Fernando ang PDRRMC emergency meeting ngayong araw, ika-25 ng Hulyo, 2024. Sa nasabing pagpupulong ay nagkaroon ng initial assessment ang konseho sa mga pinsalang natamo ng lalawigan dulot ng bagyong Carina at hanging habagat. Batay sa isinagawang masusing pagsusuri ay inirekomenda ng buong konseho ang pagdeklara ng State of Calamity sa lalawigan ng Bulacan.
Ika-18 ng Hulyo, 2024, isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang inspeksyon sa proyektong "Purchase of One (1) Unit Garbage Truck for Waste Collection of Municipality of Balagtas" na nagkakahalaga ng Php 1,800,000.00. Ito ay pinondohan sa ilalim ng F.Y. 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF).

Ngayong araw ay isinigawa ng DILG Bulacan LFP Team ang isang pagsusuri sa proyektong, "Purchase of Vehicle - Ambulance" sa ilalim ng F.Y. 2023 Financial Assistance to Local Government Units (FALGU) na may kabuuang pondo na Php. 2,500,000.00 milyong piso sa bayan ng Calumpit.

HULYO 17, 2024 | Pinangunahan ni Gob. Daniel Fernando ang isinagawang panlalawigang re-oryentasyon at konsultasyon ukol sa implementasyon ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP) sa mga 168 barangays na nananatiling apektado ng ilegal na droga, ngayong araw, ika-17 ng Hulyo, taong kasalukuyan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video