Print 

 

Nakiisa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) Bataan sa makasaysayang pagdiriwang ng ika-268 na Foundation Day ng Bataan noong Enero 11, 2025, alinsunod sa Republic Act No. 11138 na kumikilala sa kahalagahan ng Bataan bilang isang natatanging lalawigan sa kasaysayan ng ating bansa.

812.jpg

814.jpg

Nagdaos ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan ng iba’t ibang makabuluhang programa at aktibidad na nagbigay-pugay sa yaman ng kasaysayan ng lalawigan at nagpapatibay sa diwa ng pagkakaisa ng mga mamamayan.

815.jpg

816.jpg

Sa temang “Selebrasyon ng Matatag na Pamilyang Pilipino,” binigyang-diin ang mahalagang papel ng pamilyang Pilipino bilang haligi ng pagkakaisa, tagumpay, at kaunlaran ng lipunan. Ang pamilyang matatag ay nagsisilbing pundasyon at nagiging inspirasyon tungo sa mas maunlad na kinabukasan.

#FoundationDay #MatatagNaPamilyangPilipino #RepublicAct11138 #DILGBataan